5 milyon na reward sa pagkakapatay kay Isnilon Hapilon, mapupunta sa impormante -AFP

Manila, Philippines – Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mapupunta sa isang impormante ang limang milyong dolyar na reward na mula sa Estados Unidos.

Ito’y matapos mapatay ang emir ng ISIS sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon.

Ayon kay AFP Spokesperson Major General Restituto Padilla – ang naturang reward ay hindi maaring mapunta sa mga sundalo.


Anya, dadaan sa masusing validation ng U-S agents ang nasabing impormante.

Samantala, ang 10 milyong pisong reward na alok ni Pangulong Duterte at tig-limang milyong pisong patong sa ulo nina Hapilon at Omar ay kanila pang dedeterminahin, lalo’t wala pang tinukoy ang pangulo na maaring tumanggap ng nasabing pabuya.

Facebook Comments