5 milyong dolyar na relief goods para sa mga residente ng Marawi Siege, asahang darating na sa bansa

Manila, Philippines – Titiyakin ng National Commission on Muslim Filipinos na makakarating sa Marawi siege victims ang mga karagdagang relief goods mula sa Kingdom of Saudi Arabia.

Ayon kay NCMF Secretary Saidamen Pangarungan, nagpaabiso na si Kindom of Saudi Arabia ambassador to the Philippines Abdulla bin Nasser Al- Bussairy na magpapabot ng tulong at relief operations ang Saudi Government para sa mga biktima ng giyera sa Marawi City.

Inaasahang darating sa bansa sa mga susunod na buwan ang mga relief goods na abot sa 5 milyong dolyar.


Nang tanungin kung idadaan pa sa DSWD at local government ang distribution ng mga relief goods, sinabi ni Secretary Pangarungan na depende na ito sa arrangement ng pamahalaan ng Saudi at Pilipinas.

Aniya, nagbuluntaryo na ang NCMF na makikipag koordinasyon sila sa mga kinauukulan para sa distribusyon ng relief goods upang matiyak na mapupunta ito sa tamang benepisyaryo.

Nitong nakalipas na araw, ilang opisyal ng DSWD, Isang Kongresista sa Second District ng Cotabato at iba pa ang kinasuhan sa Ombudsman dahil sa maanumalyang pagbili ng family food packs para sa mga biktima ng karahasan sa Marawi City.

Facebook Comments