Matagumpay na napamahagian ng panibagong tulong ang lokal na pamahalaan ng Bayambang mula sa Department of Agriculture.
Kabuuang P5,000,000 ang natanggap ng LGU Bayambang kung saan ayon sa Bayambang Poverty Reduction Action Team at Municipal Agriculture Office partikular na paglalaanan ng tulong na ito ay gagastusin sa pagbili ng hauling service vehicle na isang 20-ft wing van.
Layunin ng bibilhing makinaryang ito ay para matulungan ang mga nasasakupan nitong magsasaka kung nais ng mga ito na ibenta ang naaning mga produkto sa iba’t-ibang Kadiwa retail stores upang kanilang maabot ang nararapat na presyo ng kanilang mga produkto.
Mapaglalaanan din ang proyektong pagpapagawa ng apat na multi-purpose drying pavements na itatayo sa Brgy. Tampog, Manambong Sur, Pantol, at Mangayao na makakatulong upang maiwasan na ang pagpapatuyo ng mga magsasaka sa gilid ng kalsada na nagiging sanhi minsan ng disgrasya lalong lalo na sa mga motorista at upang maiwasan din na bumaba ang kalidad ng mga ibinibilad sa tabi ng kalsada.
Samantala, matatandaan na nauna nang nakatanggap ang LGU ng P10-Million grant para naman sa isang swine project sa bayan.

Facebook Comments