Ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform ang 5,076,700 na halaga ng Farm Machineries and Equipment sa mga magsasaka ng Pangasinan.
Ayon kay Engr. Carlito Caymo, DAR Regional Director 1 , bahagi umano ito ng kanilang proyekto sa Climate Resilient Farm Productivity Support Program na ayuda sa mga magsasaka ng lalawigan ng Pangasinan.
Ilan sa mga nabigyan ang mga magsasaka ng Bani, Aguilar, Binmaley, Urbiztondo, Lingayen ,Mangatarem, Calasiao, Mapandan, Mangaldan, Bautista, Asingan, San Manuel, San Carlos City at Urdaneta City.
Pakiusap ni Caymo na alagaan ang ipinamahaging makinarya upang mas mapaunlad ang ani ng mga magsasaka.
Samantala, magpapatuloy ang ahensya na tulungan ang mga magsasaka sa pamamagitan g kanilang mga programa upang mas lalo pang pagyamanin ang kani-kanilang lupain at mapalago ang produksyon.