Iminungkahi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang limang minutong paglilinis at disinfection sa mga tren sa pagitan ng arrival at departure times.
Nabatid na ang Metro Manila Railways tulad ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3 ay inaasahang magbabalik operasyon sa limitadong kapasidad kapag binawi na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Ayon kay Tugade, layunin nitong mahigitan ang pitong minutong paglilinis sa high speed trains sa Japan o mas kilala bilang ‘Shinkansen.’
Aniya, pinag-aaralan na ito ng pamunuan ng railway systems.
Mahalagang nasusunod pa rin ang health protocols, physical distancing rule sa loob ng mga pasilidad at istasyon ng mga tren.
Hindi maaaring makapasok sa loob ng istasyon at mga tren ang mga walang suot na face masks, may mga makikitaan ng sintomas ng COVID-19, at may body temperature na aabot sa 37.8°c o mas mataas pa, mga senior citizen, buntis, at mga may edad 0 hanggang 20 years old.