” I wanna know what love is, I want you to show me!” Nahanap mo na ba ang iyong love life? na encounter mo na ba ang iyong “The One”? Naramdaman mo na ba ang butterflies in the stomach? At higit sa lahat, naranasan mo na bang magmahal?
Ang pagmamahal ay isang alaking misteryo sa mundo, kaya nitong lumikha, at kaya rin nitong magwasak, at narito ang ilang mga bagay na sinasabi nila kung ano ba ang pag-ibig:
1. Love Conquers all
Lagi natin itong naririnig sa mga lolo at lola nating may mga success story, at sa mga taong nagmamahalan ng matagal na panahon. Lagi din natin itong napapanood sa mga teleserye at movies- ang happy ending, ang paghahalikan ng prinsipe at dukhang nagsikap sa buhay at higit sa lahat, ang pag-iibigan ng mahirap at mayaman, langit at lupa ganun! Pero sabi nila, there is no perfect relationship, may mga true love tayong hindi natin nakakatuluyan, sila ay ang ating mga TOTGA o The One That Got Away, mga sawing pag-ibig na akala mo totoo.
2. Love is a 50/50% relationship
May days na 25 % lang tayo dahil sa pagod buong araw, may mga days naman na punong-puno tayo ng pagmamahal para sa partner natin at kung minsan ay sila naman ang kulang.
Ang true love ay hindi kailangan 50-50, hindi ito lifeline. Hindi naman ini-imply ng pag-ibig na kailangan suklian natin ng parehas na amount ang pag-ibig na natatanggap natin. Dahil may mga panahon na mapapagod din tayo sa pagmamal, at ang dapat nating gawin ay magpalakas sa pamamagitan ng din pag-ibig, pwedeng pag-ibig sa sarili, dahil baka nalilimutan na nating huminga at mabuhay, maaring puro trabaho nalang tayo o puro pag-ibig nalang sa partner at nakakalimutan na natin ang ating mga sarili. Ang tunay na pag-ibig ay nakapag-aantay at nakaka unawa. Okay lang na lumagpas ka, basta magtira din sa sarili, Okay langdi na magkulang, basta hindi mauubos.
3. True Love is a fairytale
Ang pag-ibig ay hindi laging happy ending, marami itong kailangang pagdaaanang ups and downs upango tayo’y matuto. Dito titibay ang ating relasyon kung ganap nating malalampasan ang mga pagsubok. Huwag kang sumuko agad sa isang maliit na problema sa inyong relationship dahil may mas malalaki pang pagsubok na darating sa inyong relasyon, stepping stone kumbaga. Normal lang din ang hindi pagkakaintindihan sa mga relasyon, ang kailangan lamang ay huwag itong patagalin at subukang ayusin agad.
4. Love doesn’t automatically imply pain
Minsan, natatakot tayong magamahal dahil sa takot nating masaktan. Marahil ito ay dahil sa ating mga past relationships, o masamang karanasan sa pag-ibig sa ating pamilya o kakilala. Hindi naman puro pasakit ang relasyon, dahil pagkatapos mong masaktan at matutoto ay tulo ang pag-ibig.
Kung nasasaktan ka na, matutong bumitaw at magpalaya, dahil ang pag-ibig ay kailangang magdulot ng kabutihan at kagaanan ng loob. Huwag kang matatakot magmahal at huwag kang matatakot masaktan, dahil bawat sakit ay may kakambal na ligaya. Ibig sabihin, huwag kang matatakot na sumugal at maging masaya.
5. Love is blind.
Higit sa lahat, ang pinakalagi nating naririnig, ang mg katagang “love is blind”. Ang tunay na pag-ibig ay ang pagkilala sa iyong karelasyon, pagkilala sa problema ng bawat isa, at pagtanggap sa bawat imperfections ng iyong partner.
Ang pag-ibig ay ang hindi pag iwas sa mga dumadating na problema, hindi ka dapat nagbubulag bulagan, kailangan mong umintindi at patuloy na magmahal. Ika nga, Love is not blind. Love sees, and it makes us feel safe to be seen.
Article written by Kristian Cartilla
Facebook Comments