5 miyembro ng Abu Sayyaf patay at 2 sundalo sugatan sa sagupaan sa Zamboanga Sibugay

Patay ang limang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang sugatan ang dalawang sundalo matapos na makasagupa ng tropa ng militar at pulis ang grupo ni ASG leader Furuji Indama sa Brgy. Pres. Roxas, RT Lim, Zamboanga Sibugay.

Ayon kay 1st Infantry Division Spokesperson Captain Clint Antipala, alas-2:00 ng madaling araw kanina nang magkasagupa ang tropa ang gobyerno at nasa 10 miyembro ng Abu Sayyaf.

Nagtagal ng 30 minuto ang bakbakan dahilan nang pagkasawi ng 5 terorista habang sugatan ang 2 sundalo na ngayon nasa stable condition na sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City.


Narekober ng militar sa mga nasawing Abu Sayyaf ang apat na matataas na kalibre ng armas.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng militar laban sa mga nakasagupang Abu Sayyaf.

Facebook Comments