5 miyembro ng isang pamilya, pinatay at sinunog pa sa kanilang bahay

3148
PHOTO FROM SIOCON MPS

Pinatay na at sinunog pa. Ito ang kalunos-lunos na sinapit ng limang miyembro ng isang pamilya sa Siocon, Zamboanga del Norte sa kamay mismo ng kanilang kaanak noong Miyerkoles, Agosto 5.

Kinilala ang mga biktima na sila Carlito Advincula Aban, 60; Al­drin Berdanio Aban, 20; Shannyn Cris Berdanio Aban, 17; Stephen Advincula Aban, 13; at Ro­salia Navales Quirit, 45, mga residente ng Sitio Paduan sa Barangay Candiz dito.

Ayon sa pulisya, natutulog ang mga biktima nang sumugod ang suspek na nakilalang si Elpidio Obaniana dakong alas-12:40 ng madaling araw.

May kasama umano ang salarin nang isagawa ang masaker.

Sinunog ng grupo ang bahay ng magkakaanak matapos ang pagpaslang.

Bago ang malagim na insidente, nakatawag pa raw ang biktimang si Aldrin sa kapatid niyang si Tairon kaya natukoy ang pagkakakilanlan ng isang suspek.

Lumabas din sa imbestigasyon na may matinding galit si Obiana sa pamilya Aban.




Patuloy na tinutugis ang mga salarin na kakasuhan ng five counts of murder at arson.

Facebook Comments