5 miyembro ng pamilya, nagpositibo sa COVID-19 matapos dumalo sa libing ng kaanak

5199
(Unsplash)

Nagkaroon ng COVID-19 ang limang miyembro ng pamilya mula Naguilian, Isabela matapos umanong dumalo sa libing ng kanilang kaanak.


Ayon sa report ng Department of Health (DOH), nahawa ang naturang pamilya sa 56-anyos na ginang na nagtungo rin sa nasabing libing.

Ang pasyente ay dumalo raw sa Barangay Magsaysay sa Naguilian para sa namatay nitong kamag-anak.

Sa ngayon ay naka-confine na ito sa Southern Isabela Medical Center dahil sa malalang ubo.

Bagama’t assymptomatic ang nahawang pamilya, isinailalim sila sa quarantine sa isolation facility ng barangay.

Dahil sa nangyari, nagdeklara na rin ng total lockdown ang buong barangay para sa contact tracing.

Facebook Comments