5 miymebro ng BIFF, natmbong ng AFP at PNP sa Maguindanao

Datu Paglas, Maguindanao – Natimbog ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Army at Philippine National Police ang limang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Datu Paglas, Maguindanao alas 5:20 ng umaga.

Ayon kay 1st Mechanized Infantry Brigade Commander Col. Bismarck Soliba – nagsagawa sila ng operasyon sa lugar para protektahan ang mga sibilyan.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang caliber 50 barret sniper rifle, isang m60 machinegun, isang RPG, isang m14 rifle at isang m16 rifle.


Nagkaroon pa aniya ng palitan ng putok ang magkabilang panig na tumagal ng isang oras subalit wala namang nasaktan.

Facebook Comments