5 Monumental Crimes na nagawa ng CPP-NPA-NDF sa loob ng 5 dekada

Sa loob ng limang dekada mula ng maitatag ang Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA) at ng National Democratic Front of the Philippines (NDF) sa pamumuno ni Jose Maria Sison o mas kilala sa tawag na JOMA ay makikita pa rin ang totoong layunin ng mga ito na magtatag ng isang komunistang bansa.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Staff Sergeant Jake Lopez, Operation NCO ng Bravo Company, 5CMOBn, 5th ID, PA sa programang Sentro Serbisyo, kanyang ibinahagi ang limang tinatawag na monumental crimes na umano’y nananatiling lihim sa mata ng mga Pilipino.

Una rito ay ang pagpapasabog sa Plaza Miranda noong 1970 na nagresulta sa pagkamatay ng ilang mga dumalo at ikinasugat ng maraming indibidwal sa kasalukuyang meeting de abanse ng Partido Liberal na pinatotohanan nina Ruben Guevara, pinuno ng CPP Military Commission at Bishop Nilo Tayag na kabilang rin sa nagtatag ng CPP at miyembro ng CPP Central Committee.


Bahagi rin sa kanilang first quarter storm ay ang kaliwa’t kanang protesta gamit ang mga estudyante na tinangkang lusubin ang Malacañang kung saan marami ang namatay at nasugatan sa mga ito.

Pangalawa, ang pagtraydor ni Joma Sison hinggil sa pakikipagkasundo kay Mao Tsetong ng China at pagbili sa MV Karagatan noong 1972 upang makarating sa bansa ang mga armas mula sa China na sinalubong naman ni Victor Corpuz, Top NPA Commander (1970) sa Palanan, Isabela na nasakote rin ng pamahalaan.

Pangatlo, ang Purging noong 1980 kung saan naghinala ang CPP na may trumaydor sa kanila kaya’t ipang-utos ni Benito Tiamson ang paglilitis sa lahat ng mga pinagdudahan at dito lumabas ang killing fields na pinatunayan naman ni Ben Tepaet, Former Executive Committee Member ng Southern Mindanao Regional Party Committee noong 1977-1985 kung saan humigit kumulang 1,000 na miyembro ng NPA ang pinagpapatay ng sarili nilang kasama.

Pang-apat, ang pagpatay sa mga katutubong Lumad sa Mindanao kung saan pinangakuhan ng mga NPA ang mga Lumads na tulungang malabanan ang NALCO subalit nagdulot ito ng kaguluhan at pagpatay sa loob ng kanilang tribo dala ng doktrina na ipinakilala ng CPP-NPA-NDF.

Panglima, ang patuloy na pangingikil sa mga mayayamang negosyante at kontraktor, panununog ng mga kagamitang ginagamit sa proyekto ng pamahalaan at ang patuloy na pagsabotahe sa ekonomiya ng ating bansa.

Ayon pa kay Ruben Guevara, ipinapahiwatig lamang nito na ayaw ng taumbayan sa mga ginagawa ng NPA kaya’t nananawagan ito sa mga makakaliwang grupo na itigil na ang kanilang mga gawain dahil kawawa aniya ang sumusunod na henerasyon.

Facebook Comments