5 New COVID-19 Cases, Naitala sa Santiago City

Cauayan City, Isabela- Limang (5) panibagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang muling naitala sa Lungsod ng Santiago ngayong araw sa katauhan nina CV 4373, CV 4380, CV 4387, CV 4388 at CV 4389.

Si CV 4373 ay isang 44 taong gulang na babae mula sa barangay Dubinan East, Santiago City. Siya ay isang OFW returnee mula sa bansang Macau. Siya ay nakabalik ng bansa noong ika-5 ng Disyembre 2020 at nakabalik ng lungsod noong ika-12 ng Disyembre 2020. Siya ay diniretso sa LGU quarantine facility at nakuhanan ng specimen sample noong ika-12 ng Disyembre 2020.

Si CV 4380 ay isang 42 taong gulang na babae mula sa barangay Plaridel, Santiago City. Siya ay isang OFW returnee mula sa Dubai, UAE. Siya ay nakabalik ng bansa noong ika-5 ng Disyembre 2020 at nakabalik ng Lungsod noong ika-9 ng Disyembre 2020. Siya ay diniretso sa LGU quarantine facility at nakuhanan ng specimen sample noong ika-10 ng Disyembre 2020.


Si CV 4387 ay isang 70 taong gulang na lalaki mula sa barangay Batal, Santiago City. Siya ay isang Farmer at walang kasaysayan ng paglalakbay. Siya ay mayroong kasalukuyang karamdaman na Asthma at nakaranas ng hirap sa paghinga na nagsimula noong ika-10 ng Disyembre 2020 dahilan upang siya ay nakuhanan ng specimen sample sa parehong araw.

Si CV 4388 ay isang 42 taong gulang na lalaki mula sa barangay General Malvar, Santiago City. Siya ay walang kasaysayan ng paglalakbay. Siya ay mayroong kasalukuyang karamdaman na Asthma at Hypertension. Siya ay nakaranas ng hirap sa paghinga at pananakit ng ulo na nagsimula noong ika-9 ng Disyembre 2020 dahilan upang siya ay nakuhanan ng specimen sample noong ika-11 ng Disyembre 2020.

Si CV 4389 ay isang 22 taong gulang na lalaki mula sa barangay Centro East, Santiago City. Siya ay isang online seller at mayroong kasaysayan ng paglalakbay sa Las Piñas, Cavite. Siya ay nakabalik ng lungsod noong ika-9 ng Disyembre 2020. Siya ay diniretso sa LGU quarantine facility at nakuhanan ng specimen sample noong ika-10 ng Disyembre 2020 bilang pagpapatupad ng protokol ng lokal na pamahalaan.

Ngayong araw ay dumating ang resulta ng kanilang test at ito ay SARS Cov2 positive.

Sa kasalukuyan, nakasailalim na sa LGU Isolation Facility sina CV 4373, CV 4380, CV 4388 at CV 4389 samantalang nasa DVMC naman si CV 4387 at nakatakdang ilipat sa pangangalaga ng SIMC.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng contact tracing ng CESU para sa mga posibleng nakasalamuha ng mga bagong kaso.

Facebook Comments