5% ng mga households sa bansa, wala pa ring kuryente; insurgency at armed conflict, tinukoy na dahilan sa kawalan ng kuryente sa ilang lugar sa bansa

Aabot pa sa 5% ng mga households ang wala pa ring kuryente hanggang ngayon.

Ayon kay National Electrification Administration (NEA) Administrator Edgardo Masongsong, 95% ng mga kabahayan sa bansa ang nakabitan ng kuryente o 13.625 million sa 14.335 million households ang may electrification.

Tinukoy ni Masongsong ang problema sa peace and order, armed conflict at accessibility kaya hirap sila na malagyan ng elektripikasyon ang mga nasa malalayong lugar.


Inihalimbawa pa dito ang Mindanao region kung saan 80% lamang ng households ang may electrification habang ang natitirang 20% ay hindi mapasok dahil sa problema sa armed conflict.

Naniniwala naman si Nueva Ecija Rep. Ria Vergara na ito ang mga malaking problema na kinakaharap ng pamahalaan kaya hindi mabigyan ng kuryente ang mga liblib at malalayong probinsya kahit pa may pondong inilaan para rito.

Pinagsusumite naman ng House Committee on Energy ang NEA ng kumpletong detalye ng bilang, status at mga aksyon na ginawa sa mga lugar na wala pa ring mga kuryente.

Facebook Comments