Nagkasagupa ang mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) at tropa ng militar at pulis sa Sitio Talingting, Brgy. Luyang, Mabinay, Negros Oriental kaninang hating gabi.
Sa sagupaan, nasawi ang limang miyembro ng NPA kung saan isa sa mga nasawi ay nakilalang si Sayas Ribilista na subject ng warrant of arrest.
Ayon kay Captain Francis Salcedo, tagapagsalita ng 11th Infantry Batallion ng Philippine Army, nakatanggap sila ng impormasyon na may presensya ng mga armadong lalaki na tumutuloy sa dalawang bahay sa Sitio Talingting.
Kaya agad silang rumesponde sa lugar, pero papalapit pa lamang sila ay pinagbabaril na sila ng mga NPA.
Dahil dito, nagkaroon ng palitan ng putok na nagtagal ng 30 minuto dahilan ng pagkasawi ng limang NPA habang nakatakas naman sa sagupaan ang iba nilang kasamahan.
Narekober ng tropa ng gobyerno ang tatlong M16 rifles, isang AK47, isang 45 caliber pistol at tatlong AK 47 magazines, apat na rifle grenade, isang Improvised Explosive Device (IED), iba’t ibang magazine at ammunition at mga mahahalagang dokumento