5 nurse, doktor at midwife sa Antipolo System Annex IV, nagpositibo sa COVID-19

Inihayag ng Antipolo City Government na pansamantalang isinara ang operating room at delivery room ng Antipolo Hospital System Annex IV sa Barangay Mambugan matapos magpositibo sa COVID-19 ang 5 nurse, doktor at midwife.

Ayon kay Antipolo City Mayor Andrea Ynares, ito ay para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa at maiwasan na rin ang pagkalat ng COVID-19.

Pansamantala namang inilipat ang mga naka-schedule na operasyon sa tatlong iba pang pampublikong ospital sa lungsod ng Antipolo kabilang ang ACHS Annex I sa Brgy. Dela Paz, Annex II sa Brgy. Dalig, at Annex III sa Cabading.


Habang mananatiling bukas naman sa publiko ang ER at OPD ng Antipolo Hospital System Annex IV.

Dagdag pa ni Mayor Ynares, muling magbabalik ang normal na operasyon ng operating room at delivery room ng nasabing ospital sa darating na Lunes, March 15, 2021.

Facebook Comments