5 OFWs mula Haiti, nakauwi na ng bansa

Courtesy: Department of Migrant Workers

Nakauwi na ng bansa ang limang overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng patuloy na kaguluhan sa Haiti.

Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), kabilang ang lima sa 63 OFWs at unang batch na kusang humiling ng repatriation.

Ayon sa DFA, ang lima ay nakauwi sa pakikipagtulungan nila sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers (DMW).


Nakatanggap rin ng agarang tulong at reintegration support ang limang OFWs mula sa DMW pagdating sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City.

Bukod dito, nagsagawa rin ng health assessment ang Department of Health (DOH) sa mga umuwing OFWs at inialok din ang mga repatriates ng libreng mental health check-ups.

Nabatid na base sa datos ng DFA, may 169 na OFWs sa Haiti kung saan 63 sa kanila ang nagboluntaryong magpa-repatriate.

Facebook Comments