5 Overflow Bridges sa Isabela, Not Passable pa

18

Cauayan City, Isabela- Hindi pa rin pwedeng daanan ang limang overflow bridges sa Lalawigan ng Isabela dahil sa mataas pa rin ng lebel ng tubig sa ilog.

Batay sa pinakahuling monitoring ng PNP Isabela, ‘not passable’ pa sa kasalukuyan ang nasirang Turod- Banquero overflow bridge sa bayan ng Reina Mercedes, Cabagan-Sta. Maria overflow bridge, Cansan-Bagutari overflow bridge, Alicaocao overflow bridge sa Lungsod ng Cauayan, at Baculud overflow bridge sa Lungsod ng Cauayan.


Samantala, maaari nang daanan ang ilang overflow bridge sa Lalawigan gaya ng Masaya Sur sa bayan ng San Agustin, Cabisera 8 sa Lungsod ng Ilagan at Gucab overflow bridge sa bayan ng Echague.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang monitoring ng mga kapulisan sa mga lansangan at tulay para mabantayan at hindi malagay sa panganib ang mga magnanais na tumawid.

Facebook Comments