Ikaw ba’y laging tinutukso ng mga tao dahil sa timbang? May mga damit na pilit pinagkakasya pero hindi na talaga magkasya? Inggit dahil sa mga body goals na nakikita sa social media?
Ang pagkain ng marami ay talagang nakakataba lalo na kapag hindi wasto at masustansya ang pagkaing pipiliin.
Narito ang ilan sa mga pagkaing nakakapayat:
1. Ang pagkain ng mga matatabang isda tulad ng sardinas, tilapia, mackerel at salmon ay nakakatulong magpapayat ng katawan.
2. Ang oatmeal ay may beta-glucan, isang klaseng fiber na tinatanggal ang kolesterol sa katawan at inilalabas ito sa dumi. Dahil sa fiber, madaling makabusog ang oatmeal.
3. Ang gatas ay mataas sa protina, mga vitamin Bs at calcium. Kung gusto ninyong pumayat, piliin ang gatas na low-fat o fat-free na mababa sa calories.
4. Ang gulay ay isa sa mga nakakapayat na pagkain dahil ito ay mayaman sa 5. fiber na nakakatulong sa pagpapanatili ng malusog na katawan.
5. Mga prutas na may taglay na acid na nakakabagal ng digestion, pectin na nakakababa ng kolesterol sa katawan na tumutulong sa pagpapayat, mayaman sa fiber na maganda sa digestion ng iyong katawan tulad ng saging, peras, mansanan at suha.
6. Isa din sa nakakapagpapayat ang tubig. Ang tubig ay walang calories at hindi nakatataba.
Bukod sa mga pagkaing nabanggit, mahalaga din na sabayan ito ng tamang pag-eehersisyo kasama ang tamang disiplina upang maging matagumpay ang pagpapapayat.
Article written by Alysa Llanera
Facebook Comments