5 Pambato ng Pilipinas mula Isabela at Cagayan, Sasabak sa International Martial Arts sa bansang Africa

Cauayan City, Isabela- Naghahanda na ang limang pambato ng Pilipinas mula Isabela at Cagayan na kakatawan sa 9th Mombasa Open Tong-IL-Moo Do International Martial Arts Championships para sa Sparring, Form at Special Techniques events sa Mombasa, Kenya, Africa sa Disyembre.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Brgy. Labinab SK Chairman at isa sa pambato ng Isabela na si Jayson Purificacion, isang karangalan ang muling mapabilang sa delegado ng Pilipinas para sa international competition upang magbigay karangalan sa kanyang mga kababayan sa Cauayan City.

Emosyonal naman aniya ang kanyang nararamdaman sa kabila ng todo ang paghahanda ng koponan para sa makapagbigay ng karangalan sa Pilipinas pagdating sa martial arts.


Sa kabila nito, nananawagan ngayon ang Tongilmoodo Philippines na suportahan ang kanilang fundraising campaign para makalikom ng sapat ng pondo ang koponan para sa nalalapit na international competition.

Ilan sa kanila ay nakapag uwi na ng mga medalya sa mga in-person at online competitions at excited na muling mairerepresenta ang bansa sa world stage.

Hinimok naman ni Purificacion ang kapwa niya kabataan na pag-ibayuhin ang talento pagdating sa isports at ipagmalaki ang galing ng Pilipino.

Facebook Comments