5 pang matataas na opisyal ng BOC, sinibak na rin sa pwesto

Kasunod ng pagpapalit ng liderato sa Bureau of Customs (BOC), limang matataas na opisyal din ng BOC ang sinibak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kabilang sa mga tinanggal at pinalitang opisyal ay ang ilang deputy commissioner, collector, at director ng BOC.

Dumistansya naman ang Palasyo sa dahilan ng pangulo kung bakit pinalitan si dating Commissioner Bienvenido Rubio at itinangging nadawit ito at mga kapwa opisyal sa anomalya.

Pero ayon kay Castro, kung ano man ang dahilan ng pangulo sa pagpapalit ng mga opisyal sa Customs, ay para ito sa ikagaganda ng serbisyo.

Malinaw rin aniya ang pahayag ng pangulo na magpapatuloy ang performance evaluation at mananatiling “under probation” ang mga opisyal, para makita kung nasusunod ang kanilang tungkulin at mandato.

Facebook Comments