5 pantalan sa bansa, hindi pa rin magamit matapos masalanta ng Bagyong Odette

Hindi pa rin operational ang limang pantalan matapos matinding mapinsala ng Bagyong Odette.

Ayon kay Philippine Port Authority (PPA) Port Operations and Services Department Manager Atty. Pinky Delos Santos, 74 na mga pantalan sa Visayas at Mindanao ang nasira ng bagyo.

Pero karamihan aniya sa mga ito ang nagbukas na at maaari ng paghatiran ng mga relief supplies, equipment at iba pang tulong.


Samantala, nananatiling walang telecommunication services sa Cebu province limang araw matapos manalasa ang Typhoon Odette.

Paliwanag ni Kenneth Cobonpue, Chairman ng Regional Development Council Central Visayas, malaking hamon para maibalik ang telco services sa lugar ang kakulangan ng sapat na suplay ng kuryente at mga bumagsak na debris.

Umaasa aniya sila na habang bumabalik ang supply ng kuryente at naaayos na ang mga daaan ay mapabibilis na ang pagbabalik ng mobile services sa lahat ng lugar ng Cebu sa mga susunod na araw o linggo

Facebook Comments