Lahat tayo ay may kaniya kaniyang ginagawa sa pang araw-araw . kadalasan pinag sasabay sabay nating ang lahat ng ating mga gawin upang mas matapos ito ng mabilis o mas maaga, kasabay ng mga pang araw-araw nating mga gawain ay ang problema sa trabaho, eskwelahan at pamilya na nag reresulta ng Stress.
Narito ang limang paaran upang maiwasan ang stress:
Mag-ehersisyo
Ang araw araw na pag eehersisyo katulad ng pagtakbo at paglalakad ay lubos nakakatulong sa ating katawan upang malabas ang stress
Mag-focus
Huwag isipin ang iyong mga problema at mag focus lamang sa iyong mga dapat gawin at dapat tapusin.
Mag pahinga
Kung ikaw ay nakakaranas ng kapaguran sa iyong ginagawa mas mabuting itigil mo muna ito ng panandalian at ituloy na lamang kapag ikaw ay nakakuha na ng tamang lakas upang ipagpatuloy ang iyong ginagawa.
Makinig ng Musika
Kung ikaw ay abala sa iyong napakaraming gawain o kaya naman ikaw ay sumasakit ang ulo sa kakaisip ng iyong mga problema. Ang pakikinig ng musika ay nakakatulong upang marelax ang iyong isipan.
Makipagbonding sa mga kaibigan o pamilya
Ang panandaliang pag sasaya o pakikipag bonding sa mga kaibigan o pamilya ay lubos na makakatulong upang maiwasan ang stress. sapagkat, panandalian mong makakalimutan ang iyong mga problema o mga gawain.
Article written by Karl Dianquinay
Facebook Comments