5 patay, 13 sugatan sa pagsalpok ng dyip sa poste ng kuryente sa Kawit, Cavite

Cavite, Philippines – Patay ang limang pasahero matapos bumangga sa poste ng kuryente ang kanilang sinasakyang dyip sa Centennial High Way Barangay Tabon 3, Kawit, Cavite.

Ito ang kinumpirma ni PNP CALABARZON Regional Director Sr. Supt. William Segun kung saan labing tatlong pasahero naman ang sugatan sa nangyaring aksidente

Sa ngayon, ginagamot sa Divine Grace Medical Hospital mga sugatan pasahero na pawang mga estudyante at empleyado.


Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga otoridad ang dahilan ng pagsalpok ng jeep sa poste.

Facebook Comments