Umaabot na sa lima ang iniwang patay ng Bagyong Egay.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw July 27, apat dito ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) habang ang isa ay mula sa CALABARZON.
Mayroon ding naitalang dalawang sugatan pero ang mga ito ay patuloy pang beneberipika ng NDRRMC.
Samantala, patuloy ring lumolobo ang bilang ng mga apektadong indibidwal.
Sa ngayon, nasa 89,639 pamilya o katumbas ng 328, 356 na karao ang apektado mula sa 836 na brgy sa Regions 1, 2, 3, 5, 6, 10, 12, CALABARZON, MIMAROPA, BARMM at CAR.
Sa nasabing bilang nasa halos 20,000 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa 306 na mga evacuation center.
Facebook Comments