Southern France – Lima ang patay matapos magbanggaan ang dalawang army helicopters sa Carces Lake, sa Southern France.
Nagsasanay ang mga piloto ng military flying school na tinatawag na ‘ealat’ ng magbanggaan ang mga aircrafts na ‘Gazelle Helicopters’.
Ayon sa pulisya, sakay ng isang helicopter ang tatlo habang ang isa ay may lulan na dalawa nang mangyari ang insidente.
Sa isang tweet ay ibinahagi ni Defense Minister Florence Parly ang kanyang kalungkutan sa aksidente at sinabing siya ay patungo na sa crash site.
Sinaluduhan naman ni President Emmanuel Macron ang kadakilaan ng mga nasawing military officers.
Facebook Comments