5, patay sa pagbagsak ng medical transport plane sa Nevada

Isang medical transport plane ang bumagsak sa Nevada, USA.

Sa pahayag na inilabas ng REMSA Health, Biyernes ng gabi nang mawala sa radar ang eroplano sa bahagi ng Stagecoach, malapit sa border ng Nevada at California.

Kinumpirma naman ng Central Lyon County Fire Department na walang nakaligtas sa limang sakay ng eroplano.


Bukod sa piloto, sakay ng eroplano ang isang nurse, isang paramedic, isang pasyente at isang kaanak nito.

Bagama’t hindi pa nakukumpirma ang sanhi ng plane crash, nabatid na naganap ito habang hinahampas ng winter storm ang US west coast kaya halos matakpan ng niyebe ang matataas na bundok maging ang mga karaniwang maiinit na lugar sa southern California.

Sa ngayon, 100,000 kabahayan sa California ang walang kuryente dahil sa bagyo.

Facebook Comments