5, patay sa rido o away pamilya sa Sumisip, Basilan

Kinumpirma ni Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas na namatay ang limang katao matapos ang naganap na rido o away ng tatlong pamilya sa Brgy. Central Sumisip, Basilan.

Aniya, alas 11:23 ng tanghali kanina nang mangyari ang gulo.

Nagbarilan ang pamilya nina Hadji Talil ng Brgy. Libug, pamilya ni Brgy. Chairmen Marjim Barillo ng Brgy. Central at Brgy. Chairman Arsid Isik ng Brgy. Guiong sa Brgy. Central Sumisip, Basilan.


Sa sagupaan, agad namatay ang lima na kinilalang si Kinning Emo, Nulphy Norim, Hasil Baakal, Hassamn Barillo Muslimin at Arsid Isik.

Sugatan naman ang isang Ayog Baakal.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

Facebook Comments