Ibinalik na sa Maximum Security Compound Building 14 ang limang Persons Deprived of Liberty (PDLs) ng Bureau of Corrections (BuCor) matapos gumaling sa COVID-19.
Ayon kay BuCor Public Information Office Chief Assistant Secretary Gabby Chaclag, lumabas sa huling swab test na negatibo na sa virus ang mga naturang bilanggo.
Ang naturang inmates ay unang inilipat sa site Harry Isolation Facility nitong nakaraang buwan matapos magpositibo sa COVID-19.
Sa ngayon, umaabot na sa 321 PDLs ang naka-recover sa nasabing sakit.
Samantala, nagpapasalamat naman si BuCor Director General Gerald Bantag sa medical team ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa tulong nito habang nasa isolation facility ang inmates na nagpositibo sa COVID-19.
Facebook Comments