5 pinoy, nasaktan sa ‘extreme turbulence’ sa SG Air

Nakikipag-ugnayan na ang Migrant Workers Office (MWO) sa Singapore, sa Philippine Embassy sa Bangkok kaugnay ng kalagayan ng 5 Pilipinong sakay ng Singapore Airlines na nakaranas ng matinding turbulence habang patungo ng Singapore mula London.

Ito ay matapos na mag-emergency landing ang eroplano sa Bangkok, Thailand para malapatan ng lunas ang mga nasaktang pasahero.

Nakikipag-ugnayan din ang MWO-Singapore sa Singapore Ministry of Foreign Affairs at sa mga opisyal ng Suvarnabhumi Airport authorities sa Bangkok para alamin ang kalagayan ng mga pasaherong Pinoy.


Sa naturang insidente, marami ang nasaktan habang isang British na senior citizen ang nasawi matapos atakehin sa puso.

Facebook Comments