Patuloy na umaasa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na makikitang buhay at nasa ligtas na kondisyon ang 5 Filipino seafarers.
Nabatid ang mga ito ay lulan ng MV Sincerity Ace na patungo sana ng Hawaii pero nasunog ang nasabing cargo vessel noong bisperas ng Bagong Taon sa 1,800 nautical miles northwest ng Oahu.
Ang nawawalang 5 tripulanteng Filipino ay mula sa 21 Filipino crewmembers ng MV Sincerity Ace.
Inabisuhan na ng DFA Office of Migrant Workers Affairs ang manning agency ng barko upang mahanap ang 5 tripulante.
Samantala, ang nalalabing 16 na Filipino seafarers ay nasagip ng United States Coast Guard at iba pang dumadaang merchant vessels at karamihan sa mga ito ay nakabalik na ng bansa.
Ang MV Sincerity Ace ay patungo sana ng Japan na may dalang 3,500 na brand new na mga sasakyan at nang sumiklab ang sunog dito na inabandona ng mga crew members nito ang naturang barko.