5 Pinoy sa Indonesia, nasawi dahil sa COVID-19

Iniulat ni Philippine Ambassador to Indonesia, Ambassador Leehiong Wee sa Laging Handa public press briefing na umaabot na sa 50 Filipino sa Indonesia ang tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Ambassador Wee sa nasabing bilang, karamihan sa mga ito ang fully recovered na at 5 ang nasawi magmula ng mag-umpisa ang pandemya.

Sinabi pa nito na bukas naman ang linya ng komunikasyon nila sa ating mga kababayan upang maiparating ang kanilang concerns o kung nais man ng tulong.


Sa ngayon, nagpapatuloy aniya ang pagbabakuna sa ating mga kababayan sa Indonesia na sagot din ng kanilang pamahalaan.

Nabatid na ngayong buwan ng Hulyo, target ng Indonesian government na makapagbakuna ng 1-M indibidwal sa kada araw at pagsapit ng Agosto ay papalo sa 2-M ang kanilang daily average sa pagbabakuna.

Facebook Comments