Trip niyo bang mag-get together ng iyong barkada ngunit hindi alam kung saan pupunta? Kung kayo ay sawa na sa mga mall, narito ang ilang pwede niyong gawin at puntahan para mag-enjoy kasama ang iyong barkada:
Mt. Daraitan
Kung trip niyo ang mag-adventure at hiking, ang Mt. Daraitan sa Tanay, Rizalang isa sa mga pinaka-budget friendly at pinakamalapit na hiking place sa Metro Manila.
Sa halagang P500 to P700 ay maaari niyo nang ma-enjoy at ma-appreciate ang nature, makikita niyo rin ang Sierra Madre at ang kahabaan ng Daraitan River. Sa ibaba ng bundok ay pwede rin ma-enjoy ang Tinipak River at iba pang springs at natural pools. Sa loob ng dalawang oras ay makakarating na ang inyong barkada sa Mt. Daraitan.
Splash Island
Kung ang trip naman ng inyong barkada ay magtampisaw at mag-enjoy sa summer, Splash Island sa Binan, Laguna ang sagot dyan.
Sa halagang P500 ay maaari na kayo makapag-swimming all day, me-enjoy ang endless slides, wave pool at ang real sandy beach. Recommended din ito para sa mga bata at syempre para sa mga adventurous adults na katulad ng inyong barkada.
Karaoke Pop
Karamihan ba sa inyong barkada ay mahilig kumanta? Kung trip naman ng inyong barkada ang mag-sing along para mawala ang stress, Karaoke Pop ang sagot dyan. Ito ay matatagpuan sa Manhattan Park View, Cubao, Quezon City. Sa halagang P40 per hour per person ay pwede na i-enjoy at bumirit hangga’t gusto mo. May mga inooffer din silang drinks na sure niyong ma-eenjoy habang kumakanta.
Trampoline Park
Ramdam na ba sa barkada niyo ang tinatawag na “adulting”? Mag-unwind muna at bumalik sa pagkabata sa Trampoline Park sa Greenfield District, Mandaluyong. Sa halagang P120-P380 ay pwede niyo na ma-enjoy ang trampoline park kung saan pwedeng maglaro ng dodge ball at basketball. Healthy rin dahil pwede kang mag-aerobics, mag-exercise at tumalon nang tumalon all the time.
Maginhawa Food Park
Kung trip niyo naman ang kumain nang kumain at mag-stress eating, pwedeng-pwede ang Maginhawa food park sa Quezon City kung saan marami kayong pagpipiliang pagkain tulad ng ihaw-ihaw, desserts, coffee at iba pa. Bukod sa masarap at nakakabusog ang mga pagkain dito ay “instagrammable” din ang place na ito.
Article written by Hannah Rebultan