Inilatag ni Senadora Leila de Lima ang kaniyang five-point legislative agenda na nakatutok sa good governance at pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat Pilipino.
Tinawag ito na “5 Securities 4 Filipinos” na nakatuon sa:
1. Civil at political security sa pamamagitan ng pagrespeto sa karapatang pantao at sa rule of law.
2. Food security na layong mabigyan ng suporta ang mga magsasaka, mangingisda at iba pang nasa sektor ng agrikultura.
3. Health security kung saan kailangan aniyang tiyakin ng pamahalaan na nagagampanan ng mga ospital at health centers ang kanilang tungkulin.
4. Economic security na nakatuon naman sa micro at macroeconomics at mabalanse ang interes ng mga manggagawa at mga negosyante.
5. At ang national security na kinakailangang paigtingin upang maprotektahan ang teritoryo ng bansa bilang isang sovereign country.
Mula nang mahalal bilang senadora noong 2016, nasa halos 700 panukala at resolusyon na ang inihain ni de lima kabilang na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Institutionalization Act, Magna Carta of the Poor Act at National Commission for Senior Citizens Act.