5-point strategy para sa maliliit na negosyo sa bansa, inilatag ng bagong DTI chief

Inilatag ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 5-point strategy ng ahensya para sa pagpapalakas ng Micro, Small, And Medium Enterprises (MSMEs) o maliliit na negosyo sa bansa.

Sa Malacañang Insider, sinabi ni Acting Sec. Ma. Cristina Aldeguer-Roque na ang MSMEs sa bansa ay kumakatawan sa 99.5% ng business sector at 60% ng workforce, kaya’t mabilis na aarangkada ang ekonomiya kung maiaangat ito.

Una sa istratehiya ay ang digitalization para sa mas mabilis na paghahatid ng mga produkto at impormasyon sa buong Pilipinas.


Halimbawa aniya rito ang Tiktok na popular ngayon sa digital selling kung saan marami ang kumikita.

Pangalawa naman ang diversification o ang pagsubok na magbenta ng iba pang produkto, at pangatlo ay ang funding sa pamamagitan ng purchase order financing ng small business corp.

Kasama rin ang pagsusulong ng franchise businesses, at ang mentoring o pag-alalay sa maliliit na negosyante.

Facebook Comments