5 prayoridad, hanggad ng DILG na ipagpatuloy ng susunod na administrasyon

Nais ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipagpatuloy ang ilang prayoridad o programa ng papasok na Marcos Administration.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya na kabilang dito ang paglaban sa kriminalidad.

Ani Malaya, simula nang maupo si Pangulong Rudrigo Roa Duterte (PRRD) noong 2016, bumaba ang index crimes ng 50%.


Pangalawa ang kampanya kontra ilegal na droga dahil sa ngayon ani Malaya ay nasa halos 25,000 brgy na sa bansa ang maituturing bilang drug free.

Kabilang din ang pagpapanatili sa Emergency 911 Hotline, pagpapatuloy sa modernisasyon ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at pagbibigay ng karagdagang fire stations, fire trucks, district jails, mga sasakyan para sa mga pulis.

At panghuli ang usapin ng constitutional reform.

Ani Malaya bilang pinuno ng Inter-Agency Task Force on Constitutional Reform ang DILG pag naisulong ang economic amendments makakatulong ito para makapasok ang mga mamumuhunang dayuhan sa bansa na isa sa mga paraan upang makabawi ang ekonomiya mula sa krisis na dulot ng covid 19 pandemic.

Facebook Comments