5 priority groups, target mabakunahan sa kalagitnaan ng taon – DOH

Sinisilip ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ang limang Priority Groups sa ilalim ng Category A sa susunod na dalawang buwan.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, umaasa sila na ang mga masisimulan ang vaccination para sa A4 at A5 sa Hunyo o Hulyo.

Ang mga nasa Category A1 ay healthcare workers, A2 ay senior citizens, A3 persons with comorbidities (A3), frontline essential workers (A4), at indigent population (A5).


Target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 70 milyong Pilipino sa buong bansa sa Nobyembre o Disyembre kapag sapat ang supply ng bakuna.

Pero sinabi ni Cabotaje, nahihirapan ang pamahalaan sa pagbabakuna dahil sa kasalukuyang supply nito.

Aabot na sa halos dalawang milyon ang nabakunahan kung saan 60 hanggang 70-percent ay healthcare worker.

Nasa 3.5 million COVID-19 doses ang natanggap ng Pilipinas.

Facebook Comments