5 pulis na sangkot sa ‘robbery extortion’ sa isang computer shop sa Sampaloc, Maynila tuluyan nang sinibak sa serbisyo

Dismissed na sa serbisyo ang limang kotong cops na pumasok, nagnakaw at nangikil sa may-ari ng isang computer shop sa Sampaloc, Manila noong buwan ng Hulyo.

Guilty sa kasong serious irregularities in the performance of duty, grave misconduct and conduct unbecoming of a police officer sina

1. PSSg. Ryan Tagle Paculan,
2. Pss. Jan Erwin Santiago Isaac,
3. PCpl. Jonmark gonzales dabucol,
4. Pat. Jeremiah Sema Pascual at
5. Pat. John Lester Reyes Pagar


Ayon sa Philippine National Police (PNP) Internal Affairs Service, hindi nila binigyang bigat ang palusot ng lima na lehitimo ang kanilang operasyon dahil nag-o-operate daw ang nasabing computer shop bilang isang online casino.

Nabatid na matapos pagnakawan ng P4,000 at tangayin ang hard drive ng CCTV cameras ay humingi pa ng lingguhang tongpats ang limang pulis sa may-ari ng computer shop na si Herminigildo dela Cruz.

Bukod sa kasong administratibo, kasalukuyan pang dinidinig ang kasong robbery extortion na nakasampa sa isa pang korte sa Maynila.

Facebook Comments