Sa panahon ngayon na kaya na nating magawa ang kahit na ano dahil sa technology, hindi na din malabo na maexperience natin ang kultura ng ibang lugar through the internet o virtually ng hindi umaalis ng bahay. So bakit pa tayo magtatravel kung pwede naman nating maexperience ito ng hindi kumikilos?
Ito ang ilan sa mga rason kung bakit natin ito kailangan:
Bonding and Memories
Mapa-isa ka man or kasama ang iyong pamilya, magkakaroon kayo ng pagkakataon na makapagbond at makilala lalo ang isa’t-isa. Kapag naman ikaw ay magisa lamang, mabibigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na makipagkilala sa ibang tao at maging mas open pa sakanila.
Panibagong experiences
Syempre kung hindi ka magtatravel mananatili ka sa luma mong ‘routine’ araw-araw. Kapag nagtravel ka, mararanasan mong makapag-rejuvenate at marefresh paguwi mo ng bahay.
FOOD!
Isa sa the best na rason para mag-travel, ito ang pagtry ng iba’t-ibang uri ng pagkain. Ng dahil din ditto mas nakakapagconnect ka sa ibang kultura at mas maiintindihan ang local way ng kanilang pagkain.
Appreciation
Once na naexperience mo na ang pagtatravel, at nakapunta ka na sa ibang lugar kung saan iba ang nakasanayan mo, mas makikita mo ang pagkakaiba nito sa lugar na pinanggalingan mo. At dahil dito magkakaroon ka ng feeling na parang nachachallenge ka sa mga experiences mo at maaappreciate ang mga good things sa buhay.
Satisfaction at Happiness
Aside sa hindi mo kailangang magtrabaho, ang pagtatravel ay kayang magboost ng iyong satisfaction at happiness. Binibigyan ka nito ng pagkakataon na makapagunwind at makapagrelease ng stress.
Article written by Aika Flores