5 Rebel Returnees at High-Powered Firearms, Isinuko kay Governor Albano

Cauayan City, Isabela- Sumuko ang limang (5) dating miyembro ng CPP-NPA-NDF gayundin ay isinuko nila ang apat (4) na high powered firearms, isang (1) low powered firearm, dalawampu’t walong (28) Improvised Explosives Devices at 205 rifle grenades ngayong araw, July 7, 2021.

Mismong ang Chairman ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) at Isabela Governor Rodito Albano III ang personal sumaksi sa mga isinukong kagamitan ng dating mga rebelde.

Iprinisenta naman ni Brigade CMO Officer Capt. Joter Lobo ng 502nd IB sa mga opisyal ang mga sumukong dating miyembro ng rebelde at bahagi umano ng pagsuko ng mga ito ang tuloy-tuloy na peace and development operations sa Isabela.


Tinanggap naman ni Governor Albano ang dating mga rebelde at nagpasalamat ito sa kanila sa sa pagbibigay tiwala sa gobyerno.

Sinabi naman ni DILG Provincial Director Corazon Toribio na ang bawat rebel returnee-recipient ay makakatanggap rin ng financial aid na nakapaloob ang P15,000 immediate cash assistance at P50,000 livelihood assistance habang makakatanggap rin ng hiwalay na firearm remuneration sa bawat baril na isinusuko.

Matatandaan na ang Provincial Government ng Isabela ay inalalayan rin ang pitong (7) rebel returnees sa bayan ng Jones na naging bahagi rin ng 1.5 hectares farmlands bawat isa sa kanila sa pamamagitan ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Dagdag pa dito, limang rebel returnees rin mula naman sa bayan ng Quirino kung saan benepisyaryo naman sila ng siyam (9) ektarya ng farmland sa ilalim naman ng National Greening Program ng DENR.

Samantala, tumulong rin ang Provincial Social Welfare and Development sa pitong (7) rebel returnees para makakuha naman ng financial assistance ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi naman ni Colonel Remigio Dulatre, Assistant Chief of Staff for Civil Military Operations, G7, 5th Infantry Division na may kamalayan na ang mga sumuko na bibigyan sila ng proteksyon at seguridad.

Facebook Comments