Mabagal pa rin ang antas ng pagbabakuna sa limang rehiyon sa bansa dahil sa kakulangan ng mga vaccinator.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)
Region 4B (Mimaropa)
Region 5 (Bicol Region)
Region 9 (Zamboanga Peninsula)
At Region 12 (Soccsksargen)
Maliban sa mga vaccinators, sinabi rin ni Galvez na problema rin sa mga lugar na ito ang pagkakaroon ng cold chain facilities na pag-iimbakan ng mga bakuna.
Sa ngayon, target ng pamahalaan na maabot ang 1 million hanggang 1.5 million pagbabakuna kada araw simula November 20 upang maabot ang herd immunity sa May 2022.
Facebook Comments