5 rehiyon sa bansa, may mababang vaccination rate – DOH

Tinukoy ng Department of Health (DOH) ang limang rehiyon sa bansa na may mababang vaccination rate sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nangunguna sa may mababang vaccination coverage na 24.64 percent; sinundan ng Soccsksargen na may 53.69 percent; Central Visayas 56.93 percent; Mimaropa 60.13 percent, at Caraga na may 61.19 percent.

Aniya, isa ang vaccination hesitancy sa dahilan ng mababang vaccination rate gayundin ang access sa cold storage facilities, management at pag-transport ng bakuna sa mga remote areas.


Batay kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., 10 rehiyon sa bansa ay nakapagbakuna na ng 70 porsiyento ng kanilang populasyon kung saan lima sa kanila ay may vaccination coverage nahigit 80 percent.

Kabilang na rito ang Metro Manila; Ilocos; Cagayan Valley; Central Luzon; Cordillera Administrative Region; Calabarzon; Western Visayas; Davao; Northern Mindanao, at Zamboanga Peninsula.

Facebook Comments