5 Residential House sa City of Ilagan, Tinupok ng Apoy!

Cauayan City, Isabela- Totally burned ang 5 residential house partikular sa Old Palengke, Brgy. Calamagui 1st, City of Ilagan, Isabela.

Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng 98.5 iFM Cauayan mula sa BFP Ilagan, dakong alas 8:20 kagabi nang mangyari ang insidente na agad nirespondehan ng mga bumbero.

Wala namang nasaktan o nasugatan sa nangyaring sunog.


Patuloy pa ang kanilang imbestigasyon kung ano ang sanhi o pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng pinsala ng nangyaring insidente.

Facebook Comments