5 sa 10 presidential candidates, kumpirmadong lalahok sa debate ng COMELEC

5 sa 10 presidential candidates ngayong 2022 elections ang kinumpirma ang kanilang paglahok sa mga debates na sponsored ng Commission on Elections (COMELEC).

Sinabi ito ni COMELEC Spokesperson James Jimenez sa pamamagitan ng Twitter kung saan sina Leody De Guzman, Isko Moreno, Norberto Gonzales. Panfilo Lacson at Manny Pacquiao ang nagkumpirma ng kanilang attendance as of 8:30 p.m. kagabi, ika12 ng Marso.

Habang sina Ernesto Abella, Faisal Mangondato, Jose Montemayor Jr., Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President Leni Robredo ay hindi pa nakakapagsumite ng written commitment sa COMELEC o di kaya ay tumangging lumahok sa mga debate.


Gaganapin ang unang presidential debate sa ika 19 ng Marso habang ang unang vice presidential debate ay kasado na sa ika 20 ng Marso kung saan parehas na idaraos sa Sofitel Philippine Plaza Manila sa Pasay City.

Habang nakatakda na rin ang ikalawang bugso ng presidential debate sa ika 3 ng abril.

Mababatid na sinabi ng COMELEC na ang mga kandidatong hindi lalahok sa mga COMELEC-organized debates ay mawawalan ng pagkakataong gamitin ang e-rally platforms nito hanggang matapos ang panahon ng pangangampanya.

Facebook Comments