Lima pa lamang sa natitirang 16 na rehiyon sa bansa ang nakapagturok na ng kumpletong bakuna sa mahigit 30% ng target population nito.
Maliban ito sa Metro Manila na nakapagbakuna na ng mahigit kalahati sa target na 70% ng populasyon nito kung saan mahigit 88% nito ang fully vaccinated.
Pumangalawa sa datos sa Metro Manila ang Cordillera Administrative Region (CAR) pero nasa 39% pa lang ng target nito ang fully vaccinated.
Sinundan ito ng Davao Region, CALABARZON, Central Luzon at Northern Mindanao.
Samantala, siyam na rehiyon na sa bansa ang nakapagturok na ng kumpletong bakuna sa 20% hanggang 30% ng target population.
Pangalawa naman sa huli ang Bicol Region kung saan 19% lamang ng target ang fully vaccinated.
Pinakamaliit na porsyento ng nabakunahan ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nasa 9.8% lamang na target na 2.9 milyong indibidwal.