Lima sa anim na mga ospital na pinatatakbo ng Manila City Government ang hindi na tatanggap ng mga pasyenteng may COVID-19.
Ito ay dahil sa naabot na ng mga ito ang kanilang capacity limits.
Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, bagama’t madaling magdagdag ng mga kama, ang problema aniya nila ay ang bilang ng medical professionals na tutugon sa COVID patients.
Sinabi ni Moreno na maging ang mga pribadong ospital sa lungsod ay puno na rin ng mga pasyenteng may COVID-19.
Sa ngayon aniya patuloy pa ang kanilang COVID testings kaya posibleng lalo pang lumobo ang kaso ng infection sa Maynila.
Facebook Comments