Nailipat na sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang limang kapwa akusado ng dinismis na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.
Ayon kay BJMP Spokesperson JSupt. Jayrex Bustinera, mula sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) ay nakapiit na ang mga ito sa jail female dormitory sa Pasig.
Ayon kay Col. Bustinera, kabilang sa mga ito ay sina:
1. Thelma Laranan y Barrogo
2. Rachelle Joan carreon y Malonzo
3. Rita Yturralde y Sapnu
4. Rowena Evangelista y Gonzales; at
5. Jamielyn Cruz y Santos
Ang mga ito ay kabilang sa mga nasampahan ng kasong qualified human trafficking sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) na kaugnay sa mga ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bayan na Bamban.
Una nang sumuko sa NBI ang lima matapos na maglabas ng arrest warrant ang Pasig RTC Branch 167 noong September 19.
Dalawa naman sa pito ay nasa kustodiya ng Anti-Organized Crime Task Force.
Sa nabanggit na kaso ay kabilang din sa akusado si dating Technology and Livelihood Resource Center (TLRC) Chief Dennis Cunanan at 12 pang mga executives ng Zun Yuan Technology Inc.