5 sakay ng nag-emergency landing na eroplano ng Philippine Air Force sa Mactan, nasa ligtas na kondisyon

Nasa mabuting kalagayan ang limang sakay ng Philippine Air Force (PAF) Cessna 208B EX Grand Caravan aircraft na nag-emergency landing sa Mactan-Cebu International Airport kaninang madaling araw.

Ayon kay Philippine Air Force (PAF) Spokesperson Col. Maria Consuelo Castillo, napilitang magsagawa ng emergency landing ang eroplano matapos na magkaroon ng sunog sa makina, ilang sandali matapos na mag take-off.

Matagumpay aniyang nailapag muli ng piloto ang eroplano sa kabila ng hirap sa pag maniobra ng eroplano dahil sa problema sa makina.


Aniya, walang casualty sa mga sakay ng cessna plane.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang PAF para matukoy ang naging sanhi ng sunog.

Ang naturang cessna aircraft ay dineliber sa PAF noong 2017.

Facebook Comments