5 sakay ng sasakyang nadaganan ng cement mixer sa QC, isinugod sa ospital

UPDATE – Isinugod na sa ospital ang limang sakay ng puting Honda Brio na nadaganan ng cement mixer truck kaninang hapon sa northbound ng Mindanao Avenue sa Quezon City.

Kinilala ang mga sakay na sina Marife Ramos, Eulariza Ramos, Eugene Marcos Ramos, Eurico Mateo Ramos at ang driver na si Ulysses Ramos.

Inabot ng mahigit dalawang oras bago tuluyang nahugot mula sa loob ng kotse ang mga biktima.


Posible umanong nawalan ng kontrol ang driver ng truck at nagdire-diretso ito sa center island saka tumagilid.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang hindi pa pinapangalanang driver ng truck.

Nagdulot naman ng sobrang pagsisikip sa daloy ng trapiko ang aksidente.

Iniimbestigahan pa ng otoridad ang dahilan ng aksidente gayundin kung bakit bumabiyahe ang truck ng ganoong oras sa kabila ng ipinatutupad na truck ban.

Facebook Comments