5 Signs na ang boyfriend mo ay isang “playboy”

Di maiiwasan sa panahon ngayong makatagpo tayo ng mga taong akala natin ay mabuti ang intensyon sa atin, lalo na sa pakikipagrelasyon. Ngunit pwede naman tayo magingat upang maiwasan ang mga FBOY o playboy.

Ito ang ilan sa mga senyales na ang lalaking gusto/boyfriend mo ay isang playboy:
  • SELOSO/INSECURE SIYA SA MGA GINAGAWA MO/TAONG NAKIKILA MO

Wala siyang pakiaalam sa mga achievements mo. Maiisip mong busy lang siya sa sarili niyang career, pero nagiging insecure siya kapag bumubuti ang iyong lagay sa trabaho/school. Kung hindi siya nasisiyahan o natutuwa sa iyong mga natamasa, marahil ay hadlang siya sa iyong pagusad. Maaaring naiinggit siya dahil bumubuti ang iyong career at siya naman ay?… Dun tayo sa taong masaya sa mga natatamasa natin sa buhay.
  • HINDI SIYA NAGPAPLANO NG KAHIT ANO

Sa tagal ng pagdedate ninyo, kadalasan ikaw ang nagpaplano o nagseset ng inyong next date. Papayag siya ngunit hindi kahit minsan na siya ang magyayaya o magpaplano ng inyong sunod na pagkikita. Isa pa ay hindi sila magsasakripisyo ng kanilang “Personal Time” para sa date ninyo kaya ang kadalasang nangyayari ay ikaw ang mag-aadjust sa kanya. Makikita mo na lang ang sarili mo na nagka-cancel ng sariling plans para lamang matuloy ang inyong date.

TIP: Subukan niyong wag gumawa ng plano para sa next date, paniguradong playboy Goodbye!

  • HINDI SILA MAUUNANG MAGTEXT

Kagaya sa hindi pagpaplano ng kahit anong future plans para sa inyo, hindi rin siya nagpapakita ng interes o pagkagustong makausap ka. Gaya na lamang sa di pagtetext ng una sa iyo. Kadalasan ay ikaw ang unang magmemessage sa kanya at marahil ay nagrereply siya, ngunit dito mo masusukat ang kagustuhan niyang makausap ka, sapagkat kapag hindi ka nag-message o nag-chat sa kanya, wala na kayong magiging pag-uusap.

 

  • UMAASTANG BOYFRIEND PERO DI SIYA READY SA COMMITMENT

Isa ito sa pinaka-obvious na senyales na isa siyang playboy, sasabihin o ipararamdam nilang gusto ka nila, o aastang boyfriend mo pero kapag napunta na sa usapang commitment o relationship, ilag sila at sasabihin nilang sila raw ay hindi handa sa commitment. Kapag ganito ang pinapakitang senyales ng iyong manliligaw, mabuting alamin kung ano talaga ang kanyang pakay, at know your worth be!

 

  • HINDI KA NIYA PINAPAKILALA SA TROPAPIPS NIYA

Isa itong redflag sa pakikipagrelasyon sa isang lalaki, kung matagal na kayong nagdedate o nagliligawan at di ka pa rin niya pinakikilala sa tropa niya, magtaka ka na mamsh! Kasama sa isang tropahan ang lahat ng sikretong tinatago ng bawat miyembro nito. Maaaring may tinatago pa siya sa iyo na natatakot siyang malaman mo, o di kaya’y may iba na siyang ipinakilala sa tropa niya, pwede ring senyales ito na hindi siya handa o hindi niya gusto magkaroon ng seryosong relasyon kasama ka. Kaya better watch out!

Article written by Karen Hazel Paran

Facebook Comments