“Love is more than just a feeling: it’s a process requiring continual attention,” ika nga nila. Hindi minamadali ang love and it always takes time. Ito ang 5 stages ng love:
Stage 1: Falling in Love
Ito ang una at pinakamasarap na parte ng pagmamahal. Dito magsisimula ang lahat, dito ay sisimulan mo ng pagpantasyahan ang taong gusto mo. Dito mo mararanasan ang mga pagkakataon na kapag ikaw ay gigising sa umaga ay siya agad ang pumapasok sa utak mo at walang araw na hindi mo siya iniisip. Ang akala mong crush lang ay mauuwi na sa love makalipas ang ilang buwan. Pero ingat-ingat din Idol, dahil baka mamaya ay mafall in love ka sa taong hindi ka handang saluhin.
Stage 2: Becoming a Couple
Sa stage na ito, mas magkakaroon na ng mas malalim na ugnayan sa inyong relasyon at magsasama na kayo bilang magkasintahan na kapag mas tumagal pa ng ilang taon ay mauuwi na sa kasalan. Marahil masarap pero mahirap ang stage na ito. Masarap dahil sa wakas ay may katuwang ka na sa buhay at tatapusin mo ang araw mo na kasama ang iyong karelasyon. Mahirap dahil dadating ang pagkakataon na magkakaroon ang tampuhan at hindi pagkakaintindihan.
Stage 3: Power Struggle
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro saya at sarap ang pag-big. Sa maraming taon niyong pagsasama, hindi maiiwasan ang pagdating ng mga problema na susubok sa inyong dalawa. Dito na lalabas ang tunay na kulay at baho ng iyong partner. May chance na mararamdaman niyo na bumitaw at kumawala na sa relasyon na pinasok niyo. Pero dapat kailangan ninyong gumawa ng solusyon para maging maayos. Kapag nalagpasan niyo na ang stage na ito, mas magkakaroon kayo ng matibay na pundasyon ng inyong pag-iibigan.
Stage 4: Stability
Matapos niyong malagpasan ang lahat ng problema, dito na dadating ang punto kung saan Hindi mapapantayan ng kahit ano ang feeling ng may taong laging nandiyan sa iyo sa kabila ng lahat. Mas magiging mature na kayo at matututo na rin kayong makuntento sa isa’t-isa.
Stage 5: Working Together as a Team
Sa stage na ito, dito ay mas matutunan niyo ng yakapin ang imperfection sa bawat isa. Haharapin ang bawat problema na dadating sa inyong buhay nang magkakasama. Dito mo na rin mapapatunayan na kayo talaga ang itinadhana para sa isa’t-isa.
Article written by Mary Rose Cruz